Nagsagawa ng malawakang security deployment at escort operations ang mga tauhan ng Sto. Niño Municipal Police Station upang maihatid ang mga balota at counting machines ng ligtas at maayos sa iba’t ibang polling centers sa bayan ng Sto. Niño, South Cotabato nito lamang ika-7 ng Mayo 2025.
Pinangunahan ni Police Major Raymond L Faba, Hepe ng nasabing istasyon, ang pagbabantay upang matiyak na walang aberya ang mga kagamitan.
Ang ganitong hakbang ay nagpapakita ng dedikasyon ng PNP at COMELEC na maging malinis, ligtas at mapayapa ang halalan 2025.
Nananatiling full-alert ang PNP ngayong papalapit na ang halalan upang matiyak ang seguridad at kaligtasan ng bawat isa.
Ang Sto. Niño PNP ay kaagapay ng COMELEC sa ikatagumpay na ng Halalan 2025.
Panulat ni Patrolwoman vina C Morales