Inilunsad ang Peace Caravan at Road Show ng Kontra Bigay Campaign, limang araw bago ang Election 2025 na ginanap sa Nueva Ecija Police Provincial Office, Parade Ground nito lamang ika-7 ng Mayo 2025.
Ginanap ang aktibidad sa pangunguna ni Police Colonel Ferdinand D Germino, Provincial Director ng Nueva Ecija PPO, at sa pakikipagtulungan ng Commission on Elections (COMELEC) at ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Mahigit sa 70 na pinagsamang mobile assets mula sa NEPPO, SAF, 70th Infantry Battalion, 7th Infantry Division ng AFP, COMELEC, at iba’t ibang stakeholders ang lumahok sa motorcade na umikot sa ilang piling lugar sa lalawigan ng Nueva Ecija.
Bitbit ang temang “Peace Caravan, Para sa Maayos at Ligtas na Halalan,” layunin ng programa na pagtibayin ang pagkakaisa ng mga ahensya ng gobyerno at mamamayan upang mapanatili ang integridad ng halalan at labanan ang anumang uri ng katiwalian o pandaraya.
“Dinadala natin ang mensahe sa bawat sulok ng Nueva Ecija: ang boto ng Pilipino ay hindi binibenta—ito ay pinaglalaban,” saad Ni PCol Germino.