Isang malaking tagumpay kontra ilegal na droga ang naitala ng Bacolod City Police Office (BCPO) matapos makasamsam ng tinatayang Php2.693 milyon halaga ng shabu sa loob lamang ng isang linggong operasyon, mula Abril 28 hanggang Mayo 4, 2025.
Sa kabuuan, labindalawang anti-drug operations ang matagumpay na naisagawa sa iba’t ibang barangay sa lungsod bilang bahagi ng pinaigting na kampanya ng Philippine National Police laban sa iligal na droga. Agad namang sinampahan ng kaso ang mga naarestong suspek alinsunod sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ipinahayag ni BCPO Director Police Colonel Joeresty Coronica ang kanyang taos-pusong pasasalamat at papuri sa mga operatiba na hindi nag-aatubiling magsakripisyo para sa ikabubuti ng komunidad.
Ayon sa kanya, ang patuloy na tagumpay ng kampanya laban sa droga at kriminalidad ay bunga ng disiplina, determinasyon, at malasakit ng mga kapulisan ng Bacolod City.
Sa kabila ng mga hamon, ipinakita ng Bacolod City Police Office na matatag at buo ang kanilang paninindigan sa pagtupad ng kanilang tungkulin.
Ang matagumpay na operasyon na ito ay isa na namang patunay na ang PNP ay kaagapay ng mamamayan sa paghubog ng isang Bagong Pilipinas—malaya sa droga at kriminalidad.
Ang laban kontra droga ay hindi lamang simpleng operasyon—ito ay misyon para sa kapayapaan, kaayusan, at kinabukasan ng bawat Pilipino.
Panulat ni Pat Andrea Dominique Depalubos