Nasa kabuuang 716 tauhan mula sa PNP Highway Patrol Group ang kasalukuyan nang nakadeploy sa buong bansa bilang bahagi sa malawakang paghahanda ng Pambansang Pulisya sa darating na halalan sa May 12, 2025.
Ayon kay PNP HPG Spokesperson, Police Lieutenant Nadame Malang, alinsunod ang naturang deployment sa direktiba ni PNP Chief, Police General Rommel Francisco D Marbil, na tiyakin ang pagpapatupad ng kaayusan at pagbabantay ng seguridad sa lahat ng mamamayan sa araw ng halalan lalo na sa lahat ng pangunahing kalsada at lansangan sa bansa.
Ang naturang mga pulis ay magsisilbing katuwang ng mga local police na nakadeploy sa lahat ng bahagi ng bansa.
Sa kabila ng kaliwaang deployment ng mga tauhan, siniguro naman ng PNP HPG na nakahanda silang tumulong sa pagbabyahe ng mga election paraphernalia para sa NLE 2025.
Source: https://www.facebook.com/share/v/1AdJg7q2XY/?mibextid=wwXIfr