Ipinapatupad ng Police Regional Office 10 sa nalalapit na National and Local Elections (NLE) 2025, na puspusan ang paghahanda ng kapulisan upang matiyak ang mapayapa, malinis, at ligtas na halalan sa buong Northern Mindanao ito ang pahayag ni Police Major Joann Navarro, tagapagsalita ng Police Regional Office 10 (PRO-10).
Inilahad din ni PMaj Navarro, na ang mga pulis sa mga lugar na itinuturing na election hotspots o mga lugar na may potensyal para sa kaguluhan na tinututukan ng kapulisan.
Mahigpit ding ipinatutupad ang COMELEC gun ban upang mapanatili ang kaayusan, lalo na sa mga polling centers.
Bilang karagdagang hakbang sa seguridad, ipatutupad din ang liquor ban sa araw ng halalan at sa mga itinakdang petsa ng COMELEC upang maiwasan ang anumang insidente na may kinalaman sa pag-inom ng alak na maaaring mauwi sa karahasan.
Dagdag pa rito, binanggit ni PMaj. Navarro ang Automated Counting Machines (ACMs) ay ituturing na critical assets, kaya’t magkakaroon ng 24/7 na pagbabantay upang hindi ito masabotahe o ma-kompromiso.
Pinaalalahanan din niya ang publiko na iwasan ang vote buying at vote selling, at hinihikayat ang mamamayan na agad itong i-report sa mga awtoridad kung sila ay may makikitang ganitong uri ng election offense.
“Ang boto ng bawat isa ay sagrado. Huwag natin itong ibenta. Sa ating pagtutulungan, magiging matagumpay at mapayapa ang halalan,” dagdag ni PMaj Navarro.
Panulat ni Pat Rizza C Sajonia