Naaresto ng mga operatiba ng Cateel Municipal Police Station ang itinuturing na Top 1 Most Wanted Person sa buong lalawigan ng Davao Oriental sa pamamagitan ng manhunt Charlie Operation na isinagawa noong Mayo 7, 2025 sa Purok Gemelina, Barangay Poblacion, Cateel, Davao Oriental.
Kinilala ni Police Captain Marvin L Parreño Jr, Officer-In-Charge ng Cateel Municipal Police Station, ang suspek na si alyas na “Jomar,” 33 taong gulang at residente ng Barangay Aliwagwag, Cateel, Davao del Sur.
Dinakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na walang piyansang inirerekomenda.
Patunay ito ng determinasyon ng pulisya na tiyaking mapanagot ang mga may sala at mapanatili ang kaayusan sa komunidad.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino