Arestado ng mga operatiba ang tinaguriang Top 10 Most Wanted Person sa isinagawang Warrant of Arrest Operation sa Purok Jagnaan, Barangay San Isidro, General Santos City nito lamang ika-5 ng Mayo 2025.
Kinilala ni Police Major Ivan Charles F Abastillas, Station Commander ng Police Station 4, ang naarestong suspek na si alyas “Julius” 48 anyos, habal-habal driver at residente ng nasabing lugar.
Bandang 9:15 ng gabi ng isinilbi ng mga tauhan ng PS4-GSCPO Tracker Team kasama ang CIU-GSCPO at General Santos City HPG ang Warrant of Arrest na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek sa kanyang pamamahay sa kasong Qualified Rape na walang nirekomendang piyansa.
Sinisigurado ng mga kapulisan na mahuli at mapanagot sa batas ang sinumang may nakabinbin na kaso. Ito ay isang matagumpay na operasyon para mabigyang hustisya ang mga naging biktima ng naaresto. Hindi titigil ang PNP sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan ng ating komunidad.
Panulat ni Patrolwoman Vina C Morales