General Santos City – Mahigit 664 libong pisong halaga ng marijuana ang nakumpiska ng mga operatiba ng General Santos City sa isang suspek sa anti-illegal drug entrapment operation nitong Martes, Marso 1, 2022.
Kinilala ni PBGen Alexander Tagum, Regional Director, Police Regional Office 12 ang suspek na si Henry Cuyno Vergara Jr., 28, residente ng Purok OD3, Barangay San Isidro, General Santos City.
Ayon kay PBGen Tagum, nakuhanan ang suspek ng marijuana na may kabuuang timbang na 5.535 kilo na may tinatayang halaga na Php664,200.
Sinabi ni PBGen Tagum, nahuli ang suspek sa Safi Labao Road, Zone 6, Brgy. Bula, General Santos City sa pinagsamang puwersa ng City Police Drug Enforcement Unit- General Santos City Police Office, Regional Drug Enforcement Unit 12, Regional Intelligence Unit 12, Police Drug Enforcement Group 12, at Philippine Drug Enforcement Agency 12 ng Cotabato Provincial Police Office.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ayon kay PBGen Tagum, ang pagkakadakip sa suspek ay bahagi sa pinaigting na kampanya kontra ilegal na droga.
####
Panulat ni Pat Khnerwin Medelin
Galing naman mabuhay ang mga kapulisan