Wednesday, May 7, 2025

Isang indibidwal, huli sa paglabag sa COMELEC Gun Ban sa Cotabato

Huli ang isang indibidwal matapos mahulihan ng baril sa isinagawang COMELEC checkpoint ng mga tauhan ng Libungan Municipal Police Station sa Barangay Poblacion, Libungan, Cotabato nito lamang Mayo 5, 2025.

Pinangunahan ni Police Lieutenant Froilan H. Gravidez, Deputy Chief of Police ng Libungan MPS, ang operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto sa kinilalang suspek na si alyas “Mark”, 44 taong gulang, may asawa, barbero, at residente ng Barangay Nangi, Upi, Maguindanao del Norte.

Nasamsam mula kay alyas “Mark” ang isang yunit ng caliber .38 revolver na may serial number 101142 na kargado ng dalawang bala.

Lumabag ang suspek sa Republic Act 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” at sa Omnibus Election Code dahil sa pagdadala ng armas habang umiiral ang COMELEC gun ban.

Ang matagumpay na operasyon na ito ay patunay ng mas pinaigting na kampanya ng Cotabato Police Provincial Office, sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Gilberto B Tuzon, laban sa armadong karahasan at sa mahigpit na pagpapatupad ng COMELEC Gun Ban upang matiyak ang mapayapa at ligtas na halalan.

Muling pinapaalalahanan naman ni PCol Tuzon, ang publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng anumang uri ng armas habang nasa panahon ng halalan. Ang ganitong mga operasyon ay bahagi ng mas malawak na hakbang ng PNP upang palakasin ang tiwala ng mamamayan at protektahan ang karapatan ng bawat Pilipino sa isang mapayapang pagboto.

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,560SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles