Nagsagawa ng Deployment at Send-off ceremony ng mga karagdagang mga pulis ang Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR) sa mga pangunahing lugar sa rehiyon bilang paghahanda sa darating na National and Local Elections 2025, sa Camp BGen Salipada K Pendatun, Parang, Maguindanao del Norte nito lamang ika-5 ng Mayo 2025.
Pinangunahan ni Police Brigadier General Romeo J Macapaz, Regional Director ng PRO BAR, ang Deployment at Send-off ceremony ng mga kapulisan mula sa Regional Headquarters ng PRO BAR, Regional Support Units, Police Regional Office 13 (PRO 13), at Philippine National Police Maritime Group.
Itatalaga ang mga pulis sa iba’t ibang lalawigan sa rehiyon ng Bangsamoro upang tumulong sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad ng mga botante at presinto sa araw ng halalan.
Layon ng deployment na ito na palakasin ang puwersa ng lokal na kapulisan at tiyakin ang mapayapa at maayos na halalan.
Samantala, tinitiyak ng PRO BAR sa publiko na handa ang lahat ng kinakailangang hakbang para sa isang mapayapa, tapat, at maayos na halalan sa buong rehiyon.
Panulat ni Pat Veronica Laggui