Wednesday, May 7, 2025

3 Indibidwal, arestado ng Laguna PNP matapos magpanggap na mga tauhan ng COMELEC

Arestado ang tatlong indibidwal matapos magpakilalang mga tauhan ng COMELEC Main Office na nagtangkang magsagawa ng inspeksyon sa mga Automated Counting Machines sa Silangan Elementary School, Santa Cruz, Laguna nito lamang ika-5 ng Mayo, 2025.

Kinilala ni Police Colonel Ricardo I Dalmacia, Provincial Director ng Laguna Police Provincial Office, ang mga suspek na sina alyas “Noli”, alyas “Joel” at alyas “Jose”, pawang mga residente sa lalawigan ng Quezon.

Sa ulat ng Santa Cruz Municipal Police Station, nakatanggap ng situation report mula sa isang pulis na nakatalaga sa nasabing eskwelahan upang bantayan ang mga Automated Counting Machines, agad namang pinuntahan ang naturang lugar.

Matapos makarating sa eskwelahan ay agad nagsagawa ng verification ang Election Officer sa tatlong indibidwal na nagpakilalang mga tauhan ng COMELEC Main Office, matapos magpakita ng kanilang Identification Cards (ID) agad din itong binirepika sa Provincial Comelec ng Laguna at napag-alaman na ang tatlo ay hindi mga empleyado o tauhan ng COMELEC at hindi din mga otorisado na magsagawa ng inspeksyon sa mga Automated Counting Machines. Dahil dito, agad inaresto ang tatlong indibidwal.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Santa Cruz Municipal Police Station ang mga naarestong indibidwal habang inihahanda ang mga kaukulang dokumento sa pagsasampa ng kasong Usurpation of Authority at Falsification of Public Document laban sa kanila.

Ikinararangal natin ang mga pulis na nakatalaga sa nasabing paaralan at kapulisan ng Santa Cruz Municipal Police Station dahil sa pagiging alerto at dedikasyon nila sa trabaho upang magkaroon ng malinis, patas, at payapang halalan 2025. Ito ay bunga din ng lagi naming paalala sa mga kapulisan na kasalukuyang naka-deploy sa iba’t ibang eskwelahan ngayong halalan na maging alerto, higpitan ang seguridad at mag-ingat sa lahat ng oras” pahayag ni PCol Dalmacia.

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,550SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles