Idinaos ng Philippine National Police Academy ang Oath-Taking at Reception Rites para sa 310 na bagong kadete, PNPA Class 2029 nito lamang ika-05 ng Mayo, 2025, sa Camp General Mariano N. Castañeda sa Silang, Cavpite.
Ang seremonya ay nagpahiwatig ng kanilang pormal na pagpasok sa Academy, kung saan sila ay sasailalim sa 4 na taon ng mahigpit na pagsasanay upang maging mga commissioned officer ng Philippine National Police.

Pinangunahan ni Police Lieutenant General Edgar Alan O. Okubo, The Chief of the Directorial Staff, ang okasyon bilang Guest of Honor at Speaker. Sa kanyang talumpati, nanawagan siya sa mga kadete na itaguyod ang disiplina, integridad, at serbisyo habang ginagampanan nila ang mga responsibilidad ng pamunuan ng pulisya. Ipinaalala niya sa kanila na magsisimula na ang kanilang commitment—hindi pagkatapos ng graduation.


Pagkatapos ng oath-taking, sumunod na ginawa ang tradisyunal na Reception Rites—isang mahirap ngunit makabuluhang tradisyon ng PNPA kung saan pisikal at mental na tinatanggap ng mga upperclass na kadete ang mga neophyte sa Cadet Corps. Pinaghalong emosyon naman ang makikita mula sa mga pamilya, kaibigan at mga bisita habang pinagmamasadan sila.
Ang Oath-Taking at Reception Rites ay hindi lamang pormalidad kundi ang unang hakbang sa isang buhay ng paglilingkod, sakripisyo, at pamumuno.