Arestado ang isang wanted person sa paglabag sa Republic Act 7610 o ang “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act” sa bisa ng Warrant of Arrest sa Purok 1, Barangay Luinab, Iligan City, Lanao del Norte noong ika-3 ng Mayo 2025.
Kinilala ni Police Colonel Jerry A Tambis, Acting City Director, Iligan City Police Office, ang suspek na si alyas “Sunny”, 23 anyos, may asawa, isang construction worker, at residente ng Purok 5 (Upper), Barangay Luinab, Iligan City.
Patuloy ang pagsusumikap ng Iligan City PNP at sa pagtugis sa mga indibidwal na may kinahaharap na kaso upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa komunidad.