Iginiit ng Philippine National Police (PNP) na walang kinalaman sa paglabas ng assault video ng isang CCTV footage na nagpapakita umano kay Davao City Representative Paolo “Pulong” Duterte habang ina-atake ang isang lalaki sa loob ng bar.
Ayon kay Police Brigadier General Jean S. Fajardo, tagapagsalita ng PNP at Regional Director ng Police Regional Office 3, iginagalang ng kanilang hanay ang proseso ng batas at tinitiyak na walang opisyal na naglabas ng nasabing video.
Dagdag pa niya, naisampa na sa Department of Justice (DOJ) ang mga kasong Physical Injury at Grave Threats laban kay Rep. Duterte.
Ang mga reklamong inihain ay batay sa salaysay ng biktima, at kasalukuyan nang isinasailalim sa masusing imbestigasyon ng mga awtoridad.
Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon kaugnay ng insidente, habang hinihintay ang magiging aksyon ng Department of Justice sa mga kasong isinampa.