Nakapagresolba ng kabuuang 146 kaso ng katiwalian ang Police Regional Office 3 simula April 1 2024 hanggang April 28, 2025.
Ayon sa PRO 3, ang matagumpay na pagkaresolba ng mga kaso ay bahagi ng malawakang kampanya ng Pambansang Pulisya sa ilalim ng pamumuno ni Police General Rommel Francisco D Marbil, PNP Chief, upang linisin ang PNP sa mga scalawag at abusadong tauhan.
Ayon sa ulat, ang mga kasong naresolba ay halos mga administrative cases, gaya na lamang ng Grave Misconduct, Serious Neglect of Duty, at Conduct Unbecoming of a Police Officer.
Bagama’t tuloy-tuloy pa rin ang PRO 3 sa pagsulong ng internal cleansing program sa buong hanay nito, hinimok din ni PRO 3 Regional Director, Police Brigadier General Jean S. Fajardo, ang publiko na makiisa at makipagtulungan sa mga awtoridad lalo na sa agarang pagreport ng mga iregularidad at kurapsyon sa kanilang mga komunidad.
Tiniyak naman ng pamunuan ng PRO 3 na aasikasuhin nila sa lalong madaling panahon ang lahat ng mga isinampang complaints sa kanilang tanggapan upang mapanatili ang tiwala ng publiko hindi lamang sa PRO 3 kundi sa buong PNP.