Police Regional Office 12 – Mapayapang ipinagdiwang ng mga kapulisan sa Rehiyon 12 ang Ash Wednesday na ginanap sa PNP Blue Mass sa St. Michael the Archangel Chapel, PRO 12, Tambler, General Santos City nitong Miyerkules, Marso 2, 2022.
Ang misa ay pinangasiwaan ni PLtCol Gilbert C Ilagan, Regional Chaplain, bilang paggunita sa pagsisimula ng 40-araw na Lenten season.
Ayon kay Police Brigadier General Alexander Tagum, Regional Director, dumalo ang mga tauhan ng PRO 12 sa Eucharistic Celebration na isang araw ng pagsisisi ng mga Romano Katoliko at nagsilbing paalala na italaga ang kanilang sarili sa panalangin at pakikipagkasundo.
Dagdag pa ni PBGen Tagum, sa panahon ng Kuwaresma, inaasahang dadagsa ang mga tao sa mga simbahan.
Dahil dito, sinigurado ni PBGen Tagum ang mga posibleng place of convergence sa buong rehiyon laban sa mga lawless elements na nagbabalak na magdulot ng pinsala sa publiko.
“Intensive measures on public safety and internal security will be implemented for a peaceful and orderly Lenten Season,” ani PBGen Tagum.
####
Panulat ni Pat Khnerwin Medelin
Maka diyos talaga ang mga kapulisan