Friday, May 2, 2025

Alvin Que, aalisin sa listahan ng mga respondent kaugnay sa kaso ng pagdukot at pagpatay kay Anson Que— PNP

Aalisin sa listahan ng mga respondent kaugnay sa kaso ng pagdukot at pagpatay kay Anson Que si Alvin Que, anak ng biktima, ito ang kinumpirma ni Police Brigadier General Jean S Fajardo, Spokesperson ng PNP at Regional Director ng Police Regional Office 3, sa katatapos lamang na press briefing ngayong hapon ng Huwebes, Mayo 1, 2025 sa PNP PIO Briefing Room, Camp Crame, Quezon City.

Napag-alaman na pinagsusumite ng motion to amend the complaint ang PNP ng Department of Justice (DOJ) bukas upang maalis sa listahan si Alvin Que.

Ayon kay PBGen Fajardo, walang direktang ebidensyang nakita ang PNP na magdidiin kay Alvin Que kaugnay sa nangyaring pagdukot sa kaniyang ama.

Pahayag din ni PBGen Fajardo, na Lunes pa lamang ay nagpahayag na ang PNP Anti-Kidnapping Group ng intensyon na tanggalin ang pangalan ni Alvin Que sa kaso, ngunit inatasan umano ng DOJ na magsumite muna ng pormal na dokumento hinggil dito.

Patuloy ang PNP sa malalim na imbestigasyon at mahigpit na koordinasyon sa pamilya ng biktima, upang mas mapabilis ang pagresolba at managot ang mga taong nasa likod ng pagpatay kay Anson Que.

Source: Radyo Pilipinas

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,550SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles