Sugatan ang dating Alkalde na ngayon ay tumatakbo bilang bise alkalde sa bayan ng Plaridel sa Quezon Province makaraan itong pagbabarilin sa barangay Ibabang Dupay sa Lucena City nito lamang ika-30 ng Abril, 2025.
Kinilala ang biktima na si Wilfredo Magbuhos Jr., dating Mayor ng Plaridel.
Ayon sa mga awtoridad, ganap 1:00 ng madaling araw umano sa Quezon Cockpit Arena, ang biktima kasama ang kanyang kaibigan na ibinaba niya sa may prime water sa nasabing barangay, pagkaalis ng kanyang kasama ay bigla umano itong nilapitan ng nag-iisang suspek at tinutukan ito ng baril habang pilit na inaagaw ang bag nito..
Sugatan sa kanyang hita at bisig ang biktima at nadala pa ang kanyang sarili sa pagamutan.
Kasakuluyang nasa ospital pa ang biktima para sa atensyong medikal habang pinaghahanap ng PNP ang tumakas na suspek.
