Bilang paghahanda sa nalalapit na 2025 National and Local Elections, aktibong lumahok ang mga tauhan ng Police Regional Office 7 sa isinagawang Local Absentee Voting mula Abril 28 hanggang 30, 2025 sa Abellana National Highschool, Cebu City.
Ang nasabing pagboto ay naglalayong mabigyang-daan ang mga pulis na nakatalaga sa election duties sa araw ng halalan na maipahayag pa rin ang kanilang karapatang bumoto.
Layunin ng LAV na payagan ang mga tauhan ng PNP, AFP, mga kawani ng gobyerno, at mga lehitimong miyembro ng media na makaboto para sa mga pambansang posisyon tulad ng Senador at Party-List Representatives kahit sila ay naka-duty sa mismong araw ng halalan.
Ipinapakita ng aktibong partisipasyon ng PRO 7 sa LAV ang kanilang paninindigan na tuparin hindi lamang ang tungkulin bilang tagapagpanatili ng kapayapaan, kundi bilang responsableng mamamayan na nakikiisa sa demokratikong proseso.
Sa pamamagitan ng Local Absentee Voting, muling pinagtibay ng PRO 7 ang kanilang dedikasyon sa pagkakaroon ng malinis, tapat, at mapayapang halalan sa rehiyon ng Central Visayas.