Wednesday, April 30, 2025

Miyembro ng UGMO sa La Union, kusang sumuko sa mga awtoridad

Kusang loob na sumuko sa mga awtoridad ang isang kasapi ng Underground Mass Organization (UGMO) sa isinagawang joint intelligence operation bandang alas-8:45 ng umaga ng Abril 26, 2025, sa Barangay San Manuel Norte, Agoo, La Union.

Ang operasyon ay pinangunahan ng 2nd La Union Provincial Mobile Force Company bilang lead unit, katuwang ang iba’t ibang unit ng PNP Ilocos Region, sa pakikipagtulungan ng mga opisyal ng Barangay San Manuel Norte.

Nakilala ang sumukong indibidwal sa alyas na “Francis,” 56 taong gulang, isang mangingisda at residente ng San Manuel Norte. Siya ay dating kasapi ng grupong Timek Ken Namnama Dagiti Babassit a Mangngalap ti La Union (TIMEK), Agoo Chapter, na kinilalang Underground Mass Organization sa nasabing lugar.

Sa isinagawang custodial debriefing, inihayag ni “Francis” ang kanyang matibay na desisyon na kumalas sa grupo upang mamuhay nang payapa at malayo sa anumang koneksyon sa mga organisasyong may kaugnayan sa kilusang komunista.

Isinasagawa na ang mga kaukulang hakbang para sa kanyang maayos na disposisyon.

Ayon sa Provincial Intelligence Team, ang pagsuko ni “Francis” ay isang mahalagang hakbang sa pagpapatatag ng seguridad sa Agoo at sa buong lalawigan ng La Union, bilang bahagi ng pagtutulungan para sa isang Bagong Pilipinas.

Panulat ni PMSg Robert Basan Abella Jr

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,550SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles