Arestado ang tinaguriang Regional Most Wanted Person sa lalawigan ng Laguna sa isinagawang manhunt operation ng Calamba Component City Police Station bandang 12:50 ng madaling araw ng Abril 26, 2025 sa Calamba City, Laguna.
Kinilala ni Police Colonel Ricardo I Dalmacia, Acting Provincial Director ng Laguna Police Provincial office, ang suspek na si alyas “Dolfo”, residente ng Calamba City, Laguna.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Rape na walang inirerekomendang piyansa.
“Ang pagkakadakip sa suspek ay magsilbi sanang babala sa mga personalidad na kasalukuyang nagtatago sa batas, dahil dito sa lalawigan ng Laguna ay aktibo ang aming kampanya na tugisin at panagutin sa batas ang mga indibidwal na kasalukuyang may Warrant of Arrest,” pahayag ni PCol Dalmacia.
Panulat ni Patrolwoman Pricelle May T Urbano