Nagsagawa ang Regional Mobile Force Battalion 9 (RMFB 9) at ang PNPA “ALAB-KALIS” Class of 2022 ng community outreach upang maghatid ng kasiyahan, malasakit, at kaalaman sa mga batang mag-aaral ng PRO 9 Day Care Center nito lamang Abril 25, 2025.
Ang nasabing programa ay dinaluhan ng PRO 9 Day Care pupils at ito ay naglalayong magbigay ng tulong, inspirasyon, at positibong karanasan sa mga bata, habang pinapanday ang mas matibay na ugnayan sa pagitan ng kapulisan at ng komunidad.
Namahagi ng mga pagkain, laruan, at school supplies ang mga miyembro ng kapulisan, kasabay ng mga aktibidad na pampasaya at pang-edukasyon para sa mga bata.


“Ang bawat ngiti ng mga bata ay paalala kung bakit kami patuloy na naglilingkod,” ayon sa isang miyembro ng PNPA “ALAB-KALIS” Class of 2022.
Ang aktibidad ay bahagi ng patuloy na kampanya ng PNP sa pagpapalakas ng community relations at pagpapakita ng tunay na serbisyong may puso para sa mamamayan.