Nasakote ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Northern Police District – District Drug Enforcement Unit (NPD-DDEU) dakong 4:07 ng madaling araw nito lamang Abril 25, 2025 sa Barangay Bagong Silang, Caloocan City, Metro Manila.
Kinilala ni Police Colonel Paul Jady D. Doles, Hepe ng Caloocan CPS, ang mga suspek na sina alyas “Andrei,” 24 anyos, at “Mark,” 22 anyos, parehong binata at residente ng nasabing barangay.

Nasamsam mula sa mga suspek ang humigit-kumulang 29 gramo ng hinihinalang high-grade marijuana o “kush,” at 950 gramo ng tuyong dahon ng marijuana na may Standard Drug Price na Php157,500.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Seksyon 5 (Pagbenta) kaugnay ng Seksyon 26 (Sabatang Pagkakasala), at Seksyon 11 (Pag-iingat) ng Artikulo II ng Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Patuloy ang NPD sa masigasig na kampanya kontra ilegal na droga bilang pagtupad sa layuning pangalagaan ang kapakanan ng mamamayan at siguruhin ang kaayusan at kapayapaan sa lungsod.
Source: NPD PIO
Panulat ni PMSg Remelin M Gargantos