Monday, April 28, 2025

Thanksgiving Mass para sa bagong Director ng PCADG, isinagawa sa Baguio City

Isang makulay at makabuluhang seremonya ng pasasalamat ang isinagawa ng Police Community Affairs and Development Group (PCADG) bilang pagkilala at pagdiriwang sa promosyon at pormal na pag-upo ni Police Brigadier General Marvin Joe Saro bilang bagong Director ng yunit na ginanap sa Loakan, Baguio City nito lamang ika-26 ng Abril 2025.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Police Brigadier General Marvin Joe C Saro, Director, PCADG, kasama si Police Colonel Louisito B Meris, Chief ng RPCADU-CAR, mga kasamahan sa serbisyo, pamilya, at malalapit na kaibigan pati na rin ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor ng komunidad.

Tampok sa programa ang Thanksgiving Mass – isang espesyal na misa bilang pag-aalay ng pasasalamat sa mga biyayang natanggap ng bagong talagang heneral.

Sa kanyang talumpati, ipinaabot ni PBGen Saro ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa Panginoon at PNP para sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya at sa kanyang dedikasyon sa serbisyo at pagpapatuloy sa mga programa ng PCADG na naglalayong mapalakas ang ugnayan sa pagitan ng kapulisan at ng publiko.

Ang programa ay sinundan ng isang simpleng salu-salo kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang mga dumalo sa pagdiriwang na makipag-ugnayan at magpaabot ng kanilang pagbati sa bagong Director.

Si PBGen Saro, ay kilala sa kanyang matibay na liderato at malasakit sa kapakanan ng komunidad, bagay na nagbigay daan sa kanyang matagumpay na karera sa serbisyo.

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,540SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles