Monday, May 5, 2025

PGen Marbil, personal na bumisita sa Rizal PS; ipinag-utos ang agaran at malalim na imbestigasyon sa pamamaril kay Mayor Joel Ruma

Personal na bumisita ngayong araw si PGen Rommel Francisco Marbil, Hepe ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas sa Rizal Police Station upang direktang alamin ang estado ng imbestigasyon ng Special Investigation Task Group (SITG) na binuo ng Police Regional Office 2 kaugnay sa pamamaslang kay Rizal Mayor Joel A. Ruma noong Abril 23, 2025.

Sa ginanap na conference sa Rizal PS, mariing ipinag-utos ni PGen Marbil ang agaran at malalimang imbestigasyon ng kaso. Malakas ang kanyang paniniwala na sa pamamagitan ng masinsinang pagtutok ng kapulisan ay mareresolba ang insidente sa lalong madaling panahon.

Binigyang-diin din ng Chief PNP ang direktiba para sa intensified police visibility, lalong-lalo na sa mga lugar na may mataas na tensyon ngayong eleksyon. Ayon sa kanya, “Mas panatag ang loob ng ating mga kababayan kapag nakikita nila ang ating kapulisan sa lansangan. Responsibilidad nating tiyakin ang kanilang seguridad, lalo na ngayong panahon ng halalan.”

Bukod dito, nakatutok ngayon ang SITG sa pagkalap ng mga ebidensya, kabilang ang mga CCTV footages sa lugar ng insidente at mga posibleng saksi na naroon nang maganap ang pamamaril. Tiniyak ng grupo na maingat nilang pinangangalagaan ang integrity at evidentiary value ng mga ito upang masigurong magagamit ang mga ebidensya sa tamang paraan sa pagsasampa ng kaso.

Personal ding binisita ni PGen Marbil ang mismong lugar ng insidente sa Barangay Illuru Sur, upang magkaroon ng malinaw na perspektibo ukol sa krimen. Nagtungo din si Chief PNP sa burol ng namayapang alkalde at kanyang ipinaabot ang kanyang pakikiramay sa pamilya Ruma.

Samantala, tiniyak ni Chief PNP na buo ang suporta ng pambansang pamunuan ng PNP sa Police Regional Office 2 at sa SITG upang makamit ang hustisya para kay Mayor Ruma, sa dalawa pang biktima at sa mga mamamayan ng Rizal, Cagayan.

Kasama ni Chief PNP sa kanyang pagbisita sina PLtGen Jose Melencio C Nartatez Jr, The Deputy Chief PNP for Administration at PMGen Nicolas S Salvador, The Director for Operations maging si PBGen Antonio P Marallag Jr, Regional Director ng PRO2; PCol Mardito G Anguluan, Provincial Director ng Cagayan Police Provincial Office; at iba pang opisyal mula sa PRO2, Cagayan PPO, at miyembro ng SITG.

Source: PRO2

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,550SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles