Camp Ruperto Kangleon, Palo, Leyte– Nagpadala ang Police Regional Office 8 ng kapulisan para sa Samar Peacekeeping Mission sa isinagawang Send-off Ceremony sa Brgy. Rizal II, Babatngon, Leyte nito lamang Martes ng umaga, Marso 1, 2022.
Ayon kay Police Brigadier General Bernard Banac, Regional Director, 235 na kapulisang sumasailalim ng Basic Internal Security Operations Course (BISOC) ang magiging bahagi ng Regional Special Operations Task Group – Samar para sa peacekeeping mission sa papalapit na 2022 National and Local Elections (NLE).
Ayon pa kay PBGen Banac, ipapakalat ang mga naturang kapulisan sa Calbayog City Police Station, Gandara MPS, Sta. Margarita MPS, Matuguinao MPS, at San Jorge MPS.
Sinabi ni PBGen Banac, ang seremonyang ito ay isang patotoo ng ating adhikain para sa matagumpay na pagsasagawa ng pambansa at lokal na halalan. Ibigay ang iyong mga tungkulin at responsibilidad sa halalan nang may kasipagan lalo na kung saan ang ating mga serbisyo ay lubhang kailangan. Tiyak na natutunan natin ang ating mga aral mula sa mga nakaraang halalan. Ngayon, tayo ay mas handa kaysa dati. Gawin natin ng maayos ang trabaho natin.
Source: https://www.facebook.com/1529769683967172/posts/3225146351096155/?sfnsn=mo
###
Panulat ni Patrolwoman Rialyn Valdez
Saludo tayo s PNP para sa bayan