Tuesday, May 13, 2025

Higit Php1M halaga ng shabu, kumpiskado ng PNP mula sa isang High Value Individual

Tinatayang nasa mahigit Php1 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang High Value Individual sa isinagawang buy-bust operation ng Provincial Drug Enforcement Unit sa Barangay Bakhawan Sur, Concepcion, Iloilo dakong alas 2:02 ng hapon nito lamang ika-23 ng Abril 2025.

Kinilala ni Police Major Dadge Delima, Chief ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), ang nahuling suspek na si alyas “Lamok”, walang asawa, isang karpentero, at residente ng nasabing barangay.

Nahuli diumano si alyas “Lamok” matapos niyang ibenta ang isang sachet ng hinihinalang shabu sa isang police poseur buyer.

Sa operasyon, nasamsam mula sa suspek ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu bilang buy-bust item, dalawang knot-tied plastic sachets, at labindalawang heat-sealed plastic sachets na pawang naglalaman ng hinihinalang shabu.

May kabuuang humigit kumulang 160 gramo ng hinihinalang shabu ang narekober na may Standard Drug Price na Php1,088,000.

Kasalukuyang nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

Patuloy ang mas pinaigting na kampanya ng PNP laban sa iligal na droga sa buong bansa bilang bahagi ng kanilang layuning linisin ang komunidad mula sa banta ng ipinagbabawal na gamot tungo sa mas ligtas na Bagong Pilipinas.

Source: PRO6 RTOC

Panulat ni Pat Ledilyn Bansagon

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,570SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles