Nakumpiska ang tinatayang Php545,000 halaga ng shabu at baril mula sa isang indibidwal sa ikinasang buy-bust operation ng Cebu City PNP sa Block 5, Barangay Sawang Calero, Cebu City bandang 6:25 ng gabi ng ika-22 ng Abril 2025.
Kinilala ni Police Captain Giann Karlo Reyes, Officer-in-Charge ng Police Station 6, Cebu City Police Office, ang suspek na si alyas “Raymond”, 53-anyos, residente ng Sitio Lawis, Barangay Pasil, Cebu City.
Narekober mula sa suspek ang 12 pakete ng hinihinalang shabu na aabot sa 80.24 gramo na may Standard Drug Price na Php545,632, buy-bust money, pouch, at isang unit ng Paltik Snub Nose na .38 caliber revolver na walang serial number at tatlong bala.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”, RA 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunition gayundin sa Comelec Resolution No. 11067 o Gun Ban.
Katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, walang tigil ang mga kapulisan sa kanilang operasyon laban sa iligal na droga upang mapanagot ang mga indibidwal na nasa likod ng mga ilegal na gawain na ito, dahil sa Bagong Pilipinas, ang gusto ng Pulis, ligtas ka!.