Sunday, April 20, 2025

Droga, baril, at pekeng pera, nakumpiska ng Makati PNP mula sa dalawang indibidwal

Nakumpiska ng mga tauhan ng Makati City Police Station ang mga droga, baril, at pekeng pera mula sa dalawang indibidwal sa isinagawang pre-dawn patrol operation sa Barangay Guadalupe Viejo, Makati City, dakong 2:30 ng madaling-araw nito lamang Huwebes, Abril 17, 2025.

Kinilala ni Police Colonel Jean I. Dela Torre, Officer-In-Charge ng Makati City Police Station, ang mga suspek na sina alyas “Steve”, 18 anyos, residente ng Barangay Ibayo Tipas, Taguig City, at “Dixon”, 26 anyos, residente ng Barangay San Miguel, Taguig City.

Ayon kay PCol Dela Torre, nagsagawa ng pinaigting na mobile patrol ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) katuwang ang mga tauhan ng Substation 6, sa kahabaan ng Progreso Street matapos makatanggap ng impormasyon mula sa isang Barangay Information Network (BIN) informant ukol sa aktibidad ng droga sa lugar.

Naaktuhan ng mga operatiba ang dalawang suspek habang isinasagawa ang isang transaksyon ng ilegal na droga at agad silang dinakip. Ilan pang indibidwal ang tumakas mula sa pinangyarihan.

Narekober mula kay alyas “Steve” ang isang eco bag na naglalaman ng isang bloke ng pinatuyong “marijuana fruiting tops” na tinatayang nasa 995 gramo, limang sachets ng hinihinalang marijuana na may kabuuang timbang na  limang gramo, boodle money na nagkakahalaga ng Php300,000, at iba pang cash.

Mula naman kay alyas “Dixon” ay nakuha ang isang .22 caliber revolver na may anim na bala at isang motorsiklo.

Tinatayang nasa isang kilo ang kabuuang timbang ng nakumpiskang marijuana na may Standard Drug Price (SDP) na humigit-kumulang Php120,000.

Ang matagumpay na operasyon ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng Makati PNP laban sa mga kaso ng robbery, theft, at illegal na droga, lalo na sa mga lugar na may ulat ng krimen na may kinalaman sa mga banyagang personalidad.

Source: SPD PIO

Panulat ni PMSG Remelin M Gargantos

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,490SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles