Mas pinaigting ang seguridad ng mga miyembro ng Police Regional Office 10 para masiguro ang kaligtasan ng publiko sa paggunita ng Semana Santa nito lamang ika-18 ng Abril 2025 sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.
Mahigpit ang pagbabantay sa mga simbahan, istasyon ng penitensya, at iba pang lugar na dinadayo ng mga de boto upang magsagawa ng mga panata at tradisyunal na pagninilay.
Bukod sa pagbabantay, katuwang din ang mga kapulisan sa pagpapanatili ng kaayusan sa trapiko lalo na sa mga pangunahing kalsada at terminal na aasahang dadagsain ng mga biyahero.



Pinapaalalahan naman ang mga publiko na makipagtulungan at agad i-report sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang kilos o hindi inaasahang pangyayari.
Sa pamamagitan ng tapat na serbisyo, ipinamalas ng mga kapulisan ang malasakit at dedikasyon sa bayan lalo na sa mga panahong abala ang karamihan sa gawaing panrelihiyon.
Ang presensya ang nagbibigay ng kapanatagan sa publiko at nagpapaalala na ang tunay na diwa ng Mahal na Araw ay makikita sa pagmamalasakit at paglilingkod sa kapwa para sa maunlad na Bagong Pilipinas.