Nagsagawa ng Spot Inspection ang mga tauhan ng Bataan Police Provincial Office bilang bahagi ng programang Summer Vacation o SUMVAC 2025 sa Camaya Coast Beach Resort, Barangay Biaan, Mariveles, Bataan nito lamang Huwebes, ika-17 ng Abril 2025.
Ang inspeksyon ay pinangunahan ni Police Captain Marlon B Buenaventura, Duty Officer of the Day sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Marites A Salvadora, Officer-In-Charge ng Bataan PPO.
Layunin ng aktibidad na tiyaking ligtas, maayos, at mapayapa ang daloy ng bakasyon ng mga mamamayan at turista sa lugar kasabay ng pagpapatibay ng presensya ng mga kapulisan sa mga matataong lugar sa panahon ng summer break.
Patuloy ang paalala ng Bataan PNP sa publiko na makipagtulungan at agad na ipagbigay alam sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang aktibidad para sa kaligtasan ng lahat.