Hatid ng mga miyembro ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region ang Medical Outreach Program sa mga residente ng Barangay Proper Marogong, Lanao del Sur nito lamang ika-16 ng Abril, 2025.
Sa pagtutulungan ng PRO BAR, sa inisyatibo ni Police Brigadier General Romeo Juan Macapaz, Regional Director, ay matagumpay na naihatid ang mga libreng tulong pangmedical sa mga residente.



Kabilang sa serbisyong ibinahagi sa halos 200 benepisyaryo ay ang libreng Medical Check-up at Dental Check-up, libreng gamot, libreng tuli, libreng gupit, seedlings at libreng ice cream para sa mga bata.
Labis namang ikinatuwa ng mga residente ang programang hatid ng ating mga kapulisan.
Sa mga panahon ng pangangailangan, ang PRO BAR ay hindi mag-aalinlangang maghatid ng tulong sa mga residenteng lubos na nangangailangan. At laging sisiguruduhin ang seguridad at kaligtasan ng bawat mamamayan sa kanilang nasasakupan upang magkaroon ng malusog at mayapang pamayanan.
Panulat ni Pat Veronica B Laggui