Arestado ng mga operatiba ng Kabasalan Municipal Police Station katuwang ang PIU ZSBPPO, 903rd RMFB9 at 2nd ZSBPMFC ang isang Most Wanted Persons sa Municipal Level sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 noong Abril 14, 2025 sa Kabasalan, Zamboanga Sibugay.
Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si alyas “Ben”, 41 anyos, lalaki, trabahador, binata, at residente ng Purok C, Barangay Salipyasin, Kabasalan, Zamboanga Sibugay.
Ang pag-aresto sa suspek ay sab isa ng Warrant of Arrest para sa paglabag sa mga Seksyon 5 at 11 ng Artikulo II ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” na walang inirekomendang piyansa.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa agenda ng gobyerno na itaguyod ang kaayusan at kaligtasan ng publiko, kapayapaan at seguridad na magkaroon ng maunlad na isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Franco