Arestado ang isang Newly Identified Drug Suspect sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Bukidnon Provincial Drug Enforcement Unit (Buk-PDEU) sa Purok 3A, Barangay Poblacion, Valencia City, Bukidnon nito lamang ika-15 ng Abril 2025.
Kinilala ni Police Major Richlie D Murallon, Team Leader ng Bukidnon PDEU, ang suspek na si alyas “Magda”, 56 taong gulang, babae, may asawa, walang trabaho, at residente ng Barangay Pamotolon, Kalilangan, Bukidnon.
Ang operasyon ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Bukidnon Provincial Intelligence Unit (BUK-PIU), Valencia City Police Station, at PDEA-Bukidnon sa ilalim ng PDEA Pre-Ops No. 30002-042025-0333.
Nasamsam mula sa suspek ang hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 13.0 gramo at may street value na humigit-kumulang Php88,400.
Patuloy ang panawagan ng mga awtoridad sa publiko na makipagtulungan sa kampanya kontra ilegal na droga upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa mga pamayanan.
Panulat ni Pat Rizza C Sajonia