Nagbalik-loob ang isang dating rebelde bilang bahagi ng programang Oplan Balik-Loob ng pamahalaan at pagsuporta sa kampanya ng Nueva Ecija Provincial Task Force-ELCAC laban sa insurhensiya sa mga tauhan ng 2nd Nueva Ecija Provincial Mobile Force Company Headquarters, Barangay San Juan, San Jose City, Nueva Ecija nito lamang Miyerkules, ika-15 ng Abril 2025.
Ang naturang pagbabalik-loob ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Warly C Bitog, Force Commander ng 2nd Nueva Ecija PMFC, kasama ang mga tauhan ng 1st PMFC-NEPPO, San Jose CPS, PIU-NEPPO, NICA3, 303rd MC RMFB3, RIU3, IOS RID3, 84th IB 7ID PA, and 21SAC-2SAB (Support Units).
Kinilala ang nasabing sumuko na si “Ka Basa”, babae, nasa hustong gulang at residente ng Guimba, Nueva Ecija.
Nabatid na ang sumuko ay miyembro ng Underground Mass Organization – Liga ng Manggagawang Bukid (LMB).

Kasabay ng kanyang pagsuko ay ang pagturn-over ng 1 yunit homemade caliber .38 revolver na walang serial number, at tatlong bala.
Patuloy na isinusulong ng PNP ang mapayapang pagbabalik-loob ng mga dating rebelde sa lipunan bilang bahagi ng pagsisikap na makamit ang pangmatagalang kapayapaan at seguridad sa kanilang nasasakupan.
Panulat ni Pat Marimar Junio