Isinagawa ang Municipal Joint Security Control Center Meeting para sa nalalapit na National and Local Elections 2025 sa Mariveles, Bataan nito lamang Miyerkules, ika-16 ng Abril 2025.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Hon. Joy Eleazar Caro, Election Officer ng Mariveles COMELEC na dinaluhan ni Police Lieutenant Colonel Dennis R Obista, Chief of Police ng Mariveles Municipal Police Station, kasama ang mga kinatawan mula sa PNP Maritime Group, Bureau of Fire Protection, Armed Forces of the Philippines, Local Government Unit, General Services Office at Public Safety Office.

Tinalakay ang mga paghahanda para sa seguridad, deployment ng mga personnel at mga isyung dapat bigyang pansin kaugnay ng nalalapit na National and Local Elections 2025.
Layunin nito na tiyaking magiging maayos, mapayapa, at ligtas ang halalan sa bayan ng Mariveles.
Patuloy ang pakikiisa ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan para sa kapakanan ng bawat mamamayan.