Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang dating tagasuporta ng Communist Terrorist Group (CTG) at isinuko ng kanyang kalibre .38 na baril sa Ballesteros, Cagayan nito lamang ika-11 ng Abril 2025.
Kinilala ang sumuko na si alyas “Onyok”, 52 taong gulang, isang magsasaka at residente ng nasabing bayan.

Ayon sa kanya, siya ay na-recruit noong 1992 ng mga miyembro ng NPA sa ilalim ni Kumander Bagshot, sa pamamagitan ng “Pulong Masa.” Dahil sa kuryosidad at impluwensya ng ideolohiya ng grupo, siya ay naging impormante at pinagkalooban ng homemade caliber .38 na baril.
Sa pagnanais ng isang mapayapa at legal na pamumuhay, siya ay lumipat ng Maynila at kalauna’y bumalik sa Ballesteros, kung saan nakita niya ang tuluyang pagkawala ng aktibidad ng CTG. Ang kanyang pagbabalik-loob ay bunga ng maigting na kampanya ng Ballesteros PNP sa ilalim ng pamumuno ni PMaj Val A. Simangan.
Layunin ng Ballesteros PNP na hikayatin ang mga dating kasapi o tagasuporta ng rebeldeng grupo na magbalik-loob sa pamahalaan sa pamamagitan ng Retooled Community Support Program at EO 70/NTF-ELCAC.
Bahagi nito ang pagbibigay ng tulong pinansyal at mga oportunidad sa kabuhayan upang matiyak na hindi na sila muling magiging banta sa kapayapaan ng komunidad.
Source: Ballesteros PS
Panulat ni Pat Leinee Lorenzo