Tinalakay ang Ligtas Summer Vacation (SumVac) 2025 sa mga pasahero at motorista kasabay ng pamamahagi ng Information, Education and Communication (IEC) materials ng mga tauhan ng Maco Municipal Police Station noong Abril 14, 2025 sa Maco Davao de Oro.
Kabilang sa mga tinalakay ay ang kahalagahan ng pagsunod sa mga batas-trapiko, paggamit ng seatbelt, pag-iwas sa pagmamaneho nang pagod o naka-inom, at ang pagtiyak na maayos ang kondisyon ng sasakyan bago bumiyahe at iba pa.
Sa naturang panayam na ginanap sa Maco Public Terminal sa Davao de Oro, masiglang nakiisa ang mga pasahero at motorista—nagbigay sila ng mga tanong, opinyon, at maging personal na karanasan kaugnay ng kaligtasan sa kalsada na lalo pang nakapagbigay kulay sa nasabing aktibidad.
Ang aktibong partisipasyon ng komunidad ay isang patunay ng kanilang pagpapahalaga sa kaligtasan, at nagpapakita ng matagumpay na pakikipag-ugnayan sa pagitan ng kapulisan at ng mga mamamayan.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino