Nagsagawa ang Santiago City Mobile Force Company ng symposium sa Barangay Buenavista at Barangay Sinsayon, Santiago City, Isabela noong ika-13 ng Abril 2025.
Ito ay pinangunahan ni Police Senior Master Sergeant Cherwin Bedania, tauhan ng 1st Platoon sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Jayson M Baldos, Force Commander.
Tinalakay sa symposium ang mga mahahalagang isyu ukol sa kaayusan at kaligtasan ng publiko, kabilang na ang Drug Awareness, paghahanda para sa nalalapit na pagdiriwang ng Semana Santa at Cigarette Smoking Ordinance No. 9THCC-035.
Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng mga opisyales ng barangay, health workers at residente ng nasabing mga barangay.
Layunin nito na pagtibayin ang ugnayan ng kapulisan at ng mga opisyal ng mga barangay sa Santiago City upang mapahusay ang pagpapatupad ng batas at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
Sa pamamagitan ng mas pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad, ipinapakita ng kapulisan ang kanilang patuloy na dedikasyon sa paglilingkod para sa kapakanan ng mamamayan at sa pagtataguyod ng isang ligtas, tahimik, at maunlad na bayan.
Source: Santiago City Mobile Force Company