Monday, April 14, 2025

Dealer ng marijuana, arestado sa buy-bust ng NPD; Php157K halaga ng high grade marijuana, nasabat

Arestado sa pinaigting na kampanya kontra ilegal na droga ng District Drug Enforcement Unit (NPD-DDEU) ng Northern Police District sa isang buy-bust operation ang isang tulak ng hinihinalang high grade marijuana o “kush” sa Malabon City nito lamang Huwebes, Abril 10, 2025.

Ayon kay Police Brigadier General Josefino D. Ligan, District Director ng NPD, isinagawa ang operasyon dakong 9:36 ng umaga sa kahabaan ng Kagitingan, Highway Star, Barangay Muzon, Malabon City.

Ayon pa kay PBGen Ligan, naaresto ang suspek na si alyas “Moymoy,” 23 taong gulang, lalaki, walang asawa, walang trabaho, at residente ng Caloocan City.

Nahuli ang suspek sa aktong pagbebenta ng ilegal na droga sa isang undercover na pulis na nagpanggap bilang buyer.

Nasamsam mula sa kanya ang tinatayang 30 gramo ng hinihinalang high grade marijuana (kush) at walong (8) piraso ng hinihinalang marijuana oil vape cartridges (karts).

Ang kabuuang halaga ng nakumpiskang droga ay tinatayang nasa Php101,000, Php56,000 para sa marijuana oil vape cartridges at Php45,000 para sa high-grade marijuana (kush), batay sa Standard Drug Price (SDP).

Ihahain ang kaukulang kaso laban sa suspek para sa paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

Ang matagumpay na operasyong ito ay patunay ng epektibong pagpapatupad ng AAA Strategy ng National Capital Region Police Office (NCRPO)—Able, Active, at Allied. Layunin ng stratehiyang ito na palakasin ang kapasidad ng kapulisan, magsagawa ng mga proaktibong operasyon, at paigtingin ang ugnayan sa komunidad para sa mas ligtas na pamayanan sa buong Metro Manila.

Source: NPD PIO

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,490SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles