Arestado ang maglive-in partner sa isinagawang drug buy-bust operation ng Iloilo City Police Station 3 sa Barangay San Isidro, Jaro, Iloilo nito lamang ika-9 ng Abril 2025.
Kinilala ni Police Captain Mary Jane Panes, Chief of Police, ang mga suspek na sina alyas “Ryan”, 37-anyos, at alyas “Shara”, 46-anyos, at naitalagang Street Level Individual at residente ng nasabing barangay.
Nakumpiska ng kapulisan mula sa control at pag-aari ng mga suspek ang anim (6) na sachet ng pinaghinihinalang shabu na may timbang na humigit-kumulang na 20 gramo na may Standard Drug Price na Php136,000, narekober rin ang Php2,600 na buy-bust money, at iba pang mga non-drug items.
Mahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Patuloy ang dedikasyon ng Iloilo PNP sa pagtigil sa paglaganap ng iligal na droga sa kanilang nasasakupan para sa seguridad ng mamamayan tungo sa Bagong Pilipinas.
SOURCE: PRO6 RTOC
Panulat ni Pat Andrea Dominique Depalubos