Arestado ang isang Regional Priority Drug Target sa ikinasang buy-bust operation ng Pangasinan PNP sa Barangay Palua, Mangaldan, Pangasinan noong Abril 7, 2025.
Kinilala ang suspek na si alyas Pido, 40 anyos, tricycle driver at residente ng Barangay Poblacion, Labrador, Pangasinan.
Bandang 9:48 ng gabi nang isagawa ang operasyon na pinangunahan ng Pangasinan Police Provincial Drug Enforcement Unit (PPDEU), katuwang ang iba’t ibang yunit ng kapulisan.
Nakumpiska mula sa suspek ang tinatayang 30 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang humigit-kumulang Php204,000, isang Php 500 bill na buy-bust money, 32 pirasong tig-iisang libong pisong boodle money, at isang yunit ng Nokia keypad phone na kulay itim.
Ang matagumpay na operasyon ay patunay ng patuloy na kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga, na isa sa mga pangunahing layunin ng Bagong Pilipinas.
Source: Pangasinan PDEU
Panulat ni PMSg Robert Basan Abella Jr
