Saturday, April 19, 2025

Suspek sa pananakit sa dalawang menor-de-edad sa Bontoc, sasampahan ng kasong paglabag sa RA 7610

Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 7610 ang suspek sa pananakit sa dalawang menor-de-edad sa harap ng Sta. Rita Church, Poblacion, Bontoc, Mountain Province noong hapon ng Abril 8, 2025.

Ayon kay Police Colonel Ferdinand N Oydoc, Provincial Director ng Mt. Province Police Provincial Office, ang insidente ay naiulat na naganap bandang 3:00 hanggang 4:00 PM kasunod ng impormasyong natanggap mula sa isang concerned citizen hinggil sa kumakalat na Facebook post tungkol sa isang pangbu-bully dahilan upang magsagawa ng agarang imbestigasyon ang mga Bontoc Municipal Police Station.

Ang imbestigasyon ay humantong sa pagkakakilanlan ng suspek bilang isang 19 taong gulang na lalaki na isang out of school youth.

Sa pakikipanayam sa dalawang menor-de-edad na biktima, kanilang ibinunyag na habang sila ay nakaupo sa bangketa, nilapitan sila ng suspek at pisikal na sinaktan nang walang maliwanag na dahilan.

Ang mga biktima ay dinala sa Bontoc General Hospital para sa medical evaluation habang patuloy ang isinasagawang karagdagang imbestigasyon upang matukoy ang motibo sa likod ng pananakit.

Samantala, inihahanda ng Bontoc MPS ang kaukulang kaso laban sa suspek alinsunod sa Republic Act No. 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act) upang matiyak na mabigyan ng hustisya ang mga biktima.

Hinimok naman ni PCol Oydoc ang mga residente na makipagtulungan sa Pulisya sa pagbabantay sa mga kabataan upang maiwasan ang kaparehong insidente. Tiniyak din ng Mt. Province PNP sa publiko ang kanilang hanay ay nakatuon sa kaligtasan at kapakanan hindi lamang ng mga menor-de-edad kundi bawat mamamayan sa buong lalawigan.

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,490SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles