Nangakong mamumuno nang may integridad at serbisyong tapat ang itinalagang bagong Southern Police District Director na si Police Brigadier General Joseph R. Arguelles, sa seremonyang ginanap nito lamang Sabado, Abril 5, 2025 sa SPD Headquarters, Fort Andres Bonifacio, Taguig City.
Si PBGen Arguelles ay miyembro ng PNPA Patnubay Class of 1995 at tubong Oriental Mindoro.
Bago ang kanyang bagong posisyon, nagsilbi siya bilang Hepe ng Peace Process and Development Center sa Camp Crame.

Sa kanyang talumpati, tiniyak ni Arguelles ang pamumuno na may integridad, disiplina, at tunay na serbisyo publiko.
Kanyang binigyang-diin ang pagpapatibay ng ugnayan ng pulisya at komunidad, paggalang sa karapatang pantao, at mas pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad at ilegal na droga.
Pinalitan niya si PBGen Manuel J. Abrugena, na itinalagang Deputy Regional Director for Operations ng NCRPO.
Ang pagpapalit ng pamunuan ay nagpapakita ng patuloy na pagtutok ng PNP sa maayos na serbisyo at seguridad sa rehiyon.
Source: SPD PIO
Panulat ni PMSG Remelin M Gargantos