Tinalakay ang crime prevention sa small group discussion ng Regional Police Community Affairs and Development Unit 11 sa residente ng Agdao, Davao City noong Abril 7, 2025.
Pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Julius A Borja, Officer-In-Charge ng RPCADU 11, ang naturang talakayan.
Ang layunin ng talakayan na ito ay palawakin ang kaalaman ng komunidad hinggil sa mga isyu ng krimen at ilegal na droga.
Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, nais ng mga awtoridad na mapataas ang kamalayan ng mga tao tungkol sa mga panganib at epekto ng kriminalidad at paggamit ng ipinagbabawal na gamot sa kanilang komunidad.
Namahagi rin ang kapulisan ng lEC (Information, Education, and Communication) materials na naglalaman ng mga paalala at numero ng mga tanggapan ng kapulisan.
Ang hakbang na to ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng RPCADU 11, na palakasin ang ugnayan sa komunidad, mapaigting ang kamalayan sa mga isyung may kinalaman sa seguridad, at magtulungan upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa.