Sumailalim ang mga personnel ng Police Regional Office 3 sa Electoral Board Training para sa Halalan 2025 at BARMM Elections na ginanap sa PRO 3 Patrol Hall, Camp Captain Julian Olivas, San Fernando City, Pampanga nito lamang Lunes, ika-7 ng Abril 2025.
Pinangunahan ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagsasanay kung saan tinalakay ang mga batas panghalalan, tamang proseso, at paggamit ng vote-counting machines (VCMs).
Bahagi rin ng programa ang hands-on training at mga situational exercises upang ihanda ang mga kalahok sa mga aktwal na sinaryo sa araw ng halalan.


Itatalaga ang piling tauhan ng PRO 3 sa mga lugar sa BARMM, bilang tugon sa kakulangan ng mga guro sa ilang lugar at sa pangangailangang matugunan ang usapin ng seguridad.
Ayon kay Police Brigadier General Jean S. Fajardo, Regional Director ng PRO 3, layon ng pagsasanay na tiyaking neutral, mahusay, at maaasahan ang mga Electoral Board Member mula sa hanay ng kapulisan. Dagdag pa niya, patuloy ang pakikipagtulungan ng PRO 3 sa COMELEC upang masigurong mapayapa, malinis, at ligtas ang halalan sa buong rehiyon.
Panulat ni Pat Marimar J Junio