Saturday, November 23, 2024

Lalaking nakuryente sinagip sa Baler, Aurora

Baler, Aurora – Rumesponde ang mga kapulisan ng Baler sa isang insidente ng pagkakuryente sa Brgy. Suklayin, Baler, Aurora kaninang umaga, Marso 1, 2022.

Ayon kay Police Major Dennis Balbuenasa, Chief of Police ng Baler Municipal Police Station, ang biktima ay kinilalang si Christopher Dumasig alyas “Bong”, 54, residente ng Barangay 3, San Luis, Aurora.

Ayon pa kay Police Major Balbuenasa, umakyat umano ang biktima sa isang ginagawang gusali upang tignan ang bubong at ayusin ito ngunit aksidente niyang naapakan ang kable ng kuryente na sanhi ng kanyang pagkakuryente.

Dagdag pa nito, nagtungo at humingi ng tulong ang foreman na si Mr. Daniel Roque sa Police Station at agaran namang umaksyon ang ating kapulisan.

At sa tulong ng Bureau of Fire Protection at MDRRMO-Baler ay matagumpay itong naibaba at binigyan ng paunang lunas bago itinakbo sa Premiere General Hospital.

Nagtamo ng mga paltos at paso sa katawan ang nasabing biktima at kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.

Ang kapulisan ng Gitnang Luzon ay patuloy na nagbibigay ng tulong at serbisyo sa lahat ng mamamayan sa kanilang nasasakupan

###

PCpl Maria Elena S Delos Santos

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles