Sunday, April 6, 2025

Dalawang miyembro ng Communist Terrorist Group, nagbalik-loob sa pamahalaan sa Northern Samar

Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang dalawang miyembro ng Communist Terrorist Group sa Barangay Urdaneta, Lavezares, Northern Samar nito lamang Abril 01, 2025.

Kinilala ni Police Captain Mark Mhon T Amistoso, Officer-In-Charge ng 804th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8, ang mga nagbalik-loob na sina alyas “Jay”, 30 anyos, magsasaka at alyas “Apol”, 46 anyos, habal-habal driver, na pawang mga residente ng Barangay Happy Valley, San Isidro, Northern Samar.

Ang pagbabalik-loob ay resulta ng matagumpay na pakikipagnegosasyon ng mga tauhan ng 804th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8 kasama ang 32nd Special Action Company, 3rd Special Action Battalion, 153rd Special Action Company, PNP-SAF, EOD K9, FSB, Lavezares Municipal Police Station, Provincial Intelligence Team Northern Samar, Regional Intelligence Unit 8, PNP Intelligence Group, Internal Security Operation Division, Northern Samar Provincial EOD and Canine Unit, Maritime Law Enforcement Team Northern Samar, Northern Samar Provincial Highway Patrol Team- Regional Highway Patrol Unit 8 at 83rd Military Intelligence Company, 8 Military Intelligence Battalion, 8th Infantry Division, Philippine Army.

Isinuko rin ng mga nagbalik-loob ang isang yunit ng caliber .38 revolver at apat na bala.

Samantala, nakatanggap naman ang mga nagbalik-loob ng agarang tulong pinansyal at food packs mula sa mga kapulisan.

Ang mga nasabing surrenderee ay nasa kustodiya na ng 804th Maneuver Company, RMFB 8 para sa facilitation ng kanilang posibleng enrollment sa programa ang ating gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.

Patuloy ang panawagan ng Pambansang Pulisya sa iba pang mga miyembro ng CTGs na iwaksi na ang maling ideolohiya at magbalik-loob sa ating pamahalaan upang makasama ang pamilya, mamuhay ng payapa, at patuloy na sumuporta sa ating gobyerno.

Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,480SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles