Mariing sinegundahan ni House Assistant Majority Leader at Ako Bicol Party-list Rep. Jil Bongalon ang pagbaba ng bilang ng mga pangunahing krimen sa bansa ito ay matapos naglabas ng pahayag si PNP Chief, Police General Rommel Francisco D. Marbil kaugnay sa lagay ng kriminalidad ng bansa.
Aniya nagkaroon naman ng bahagyang pagbaba ng krimen sa bansa ayon sa datos na inilathala ng Pambansang Pulisya lalo na sa kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa datos ng PNP, tinatayang bumaba ang focus crimes sa 26.76% mula 4,817 ng naitalang krimen simula January 1 hanggang February 14, 2024, sa 3,528 na mga kaso sa parehong buwan ngayong taon. Kabilang sa mga focus crimes ang theft, robbery, rape, murder, homicide, physical injury, at carnapping.
Sa mga kasong ito, ang rape ang siyang mayroong pinakamalaking bahagdan ng pagbaba na umabot ng 50% kumpara sa nakalipas na taon. Samantala parehong bumaba rin sa 7.31% ang datos ng mga focus crimes sa buong bansa sa taong 2024 na mayroon lamang 38,667 mga kaso kumpara sa 41,717 sa taong 2023.
Sa kabilang banda, hinikayat naman ni Representative Bongalon ang publiko partikular na ang mga media practioners na makiisa sa panawagan ng PNP na labanan ang fake news at maging responsable sa paggamit ng social media sapagkat nakakapagdulot ito ng misinformation at nakakaapekto sa tiwala ng publiko sa mga ahensya ng pamahalaan.
Aniya: “Fake news is a crime in itself—it steals peace of mind and sows unnecessary fear. Ang epekto nito ay hindi lang takot kundi pagkawalang-tiwala sa mga institusyong araw-araw na nagtatrabaho para sa ating seguridad.”