Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang lahat ng unit commanders, lalo na ang Police Regional Offices sa Western Visayas at MIMAROPA na ihanda ang kani-kanilang disaster response teams para sa paghagupit ng bagyong “Lannie”.
“Patuloy ang koordinasyon na gagawin ng inyong kapulisan sa mga Office of Civil Defense at mga Local Government Units upang alamin kung paano makakatulong ang pulis upang matiyak ang kaligtasan at matulungan ang mga kababayan nating nakatira sa mga lugar na dadaanan ng bagyong ito,” pahayag ng hepe.
Ayon sa PAGASA, inaasahan ang katamtaman at malakas na pag-ulan sa bahagi ng Western Visayas at MIMAROPA dulot ng bagyong “Lannie” habang ambon, katamtaman at malakas na ulan naman sa CALABARZON, Bicol Region, at Mindanao.
Inaasahang lalabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility sa Huwebes, Oktubre 7, ayon sa PAGASA.
Hinimok naman ni PGen Eleazar ang publiko na makinig sa mga pulis at lokal na pamahalaan upang matiyak ang kanilang kaligtasan sa kanila ng paghagupit ng bagyo.
“I would like to remind the public to immediately heed the advice of your respective localities that should they require preemptive evacuation because this is for your own safety. In the event of the establishment of evacuation centers, our police personnel should continue to strictly enforce minimum public health standards among evacuees to curb the spread of COVID-19,” ani Chief PNP.
Photo Courtesy: newsinfo.inquirer.net
####
Article by Police Corporal Josephine T Blanche